Paggapang ng Mycelium sa Fruiting Bag (Incubation)

INCUBATION PERIOD

  1. Ilagay ng patayo ang mga natanimang Fruiting bag sa isang Madilim na silid ng mga 3 hanggang 4 na linggo hanggang gapangan ng amag ang buong substrate ng fruiting bags
  2. Obserbahan araw-araw ang mga fruiting bags. Kung napansin na walang gumapang na mycelium at tinubuan ng ibang uri ng organismo ang fruiting bag. Katulad ng Greenmolds at Blackmolds
  • Marapat agad itong tanggalin upang hindi na makahalo sa malusog ng gumagapang na mycelium sa ibang fruiting bag.
  • Obserbahan din ang mga isekto at hayop na maaring makapaminsala sa mga fruiting bags katulad lang langaw, uod, daga, ipis at iba pa. siguruhing malinis at protektado ang kinalalagyan ng mga oyster fruiting bags.
  1. Maari ng isalansan sa growing area ang mga fruiting bag na may marami at magandang  gapang na Oyster mycelium.
  2. Kapag napuno na ng mycelium ang buong fruiting bag (30 to 40 days) ay maaari na itong tanggalan ng Cotton plugs. Upang magsimula na itong magbunga.

 

This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

Post your Comments or Questions: